[Day 6 to 8] Ang Mga Pamantasan

Ika-anim na araw – Ang pangalan ng iyong paaralan noong elementarya (In Filipino) + letrato

Pamantasan ni Jose Rizal (?). Anim na taon din ang nilagi ko sa paaralang ito mula Grade 1 hanggang Grade 6. Sa mga pagkakataong ako’y nag-aral dito, hinayaan nila akong lumagtaw ng isang baitang ang pagiging Prep na nagdulot ng pagtatapos ko ng maaga sa pag-aaral at tila ako lagi ang nagiging pinakabata sa mga klaseng aking napuntahan. Sa awa ng Diyos, nakasabay ako sa aking mga kaklase sa antas ng kanilang pagiisip at aki’y masasabi na napakaaga na ring nagmatyur ng aking isip at pag-intindi sa mga bagay-bagay. Naks. Parang hindi naman. Ha!

Ika-pitong araw – Ang pangalan ng iyong mataas na paaralan (In Filipino) + letrato

Pamantasang Teknolohikal ni Rizal (?). Ito siguro ang pinakakakakaibang karanasan sa aking buhay-estudyante—madami akong naramdaman at nakilala na naging mahalagang bahagi ng buhay ko. Ang isa siguro sa mga pinakatinatangi ko sa aking pagiging hayskul ay ang pagkilala at pagbuo ng isang napakagandang pagkakaibigan sa limang napakagaganda ding mga kadalagahan—Veron, Alyssa, Carla, Cathy at Khay. Sila na yata ang pinakamatingkad na kayamanan na natagpuan ko sa mga panahong nilagi ko sa paaralang ito.

Ika-walong araw – Ang pangalan ng iyong kolehiyo (In Filipino) + letrato

Polyteknikong Unibersidad ng Pilipinas. Dito naman ako pinakanatuto bilang isang estudyante, kaibigan, at bilang isang tao. Ito ang pinakamasayang yugto para sa akin. Ang daming mga karanasan na higit pa sa kakaiba at ang dami kong pangarap na nagawa sa mga panahong nilagi ko sa pamantasang ito. Umani ako ng kaibigan at nagkaron ng tatlong magkakaibang grupong kinabibilangan ang mga grupong ito din naman ay magkakakilala at magkaibigan ngunit sadyang iba’t iba ang deskripsyon ng tatlong ito para sa akin. Nandiyan ang Lunchmates ito ang naging pinakamalaki sa lahat ng grupo na kinabibilangan ko. Nagkasama-sama ito dahil naging sabay-sabay sa pananghalian mula noong freshman pa lamang pa kami, Tomblrs ito naman ay kinabibilangan ng ilang magagandang dilag sa Lunchmates at isa mula—sa kanya ding isang grupo—Rockstars, pinaka-wala-sa-ayos ang grupong ito at Junior Jocks tatlo lamang kami sa grupo at nabuo kami dahil sa hilig sa musika at walang-sawang pag-uusap ng kahit anong paksa sa ilalim ng araw. At siyempre, madami pang mga kaibigan ang nakilala ko na talaga namang tinuturing kong kayamanan. Grabe din ang mala-roller coaster na mga bagay ang aking naranasan sa aking klase—hindi ko pala nabanggit, napabilang at nabiyayaan akong mapunta sa isang napakatatalino at madidiskarteng klase na makikilala mo sa MassComm, particular, sa CommRes ito kase ang kurso ko. Ang buhay-kolehiyo ang nagturo sa akin ng maraming bagay sa buhay at tinuruan akong mamulat sa mga bagay na hindi ko, sa hinagap, naisip na posible. Kung iisa-isahin ko, baka maging nobela na ito, kaya naman hanggang dito na lamang. Para sa mga papasok pa lamang sa pagkakolehiyo, ang lahat ng bagay na matutuklasan o madadagdag sa inyong karanasan at lahat ng taong inyo ring makikilala ay tiyak na magbibigay ng kakaibang kulay sa inyong mundong ginagalawan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s