[Day 9 to 11] Pagkamakabayan

Ika-siyam na araw – Ang paborito mong bayani

Si Jose Rizal pa rin ang aking paboritong bayani kahit sadayng nahirapan ako sa aming klase na Rizal noong kolehiyo. Kinagigiliwan ko kase ang kanyang naging paraan sa paggising sa damdamin at pagmulat sa mata ng mga Pilipino. Ang kanyang pagsusulat upang mapukaw ang natutulog mong diwa ay sadyang isang bagay na dapat laging alalahanin ng mga Pilipino ng aking lahi. Ang pagmamahala sa bansa, paniniwala sa kakayanan at lahing kayumanggi at ang pagmamahal at pagtangkilik sa mga bagay na eksklusibong-Pinoy ang pinamalasni Dr. Jose Rizal at sa tingin ko, ang mga Pilipino, lalo ng mga kabataan ngayon ay dapat matutunang ibalik ang pagmamahal na ito sa bayan.

Ika-sampung araw – Ang paborito mong ‘pambansang _____’

Pambansang prutas, ang Mangga. Tama ba ako, yan nga ba ang pambansang prutas natin? Hindi na kase ako maalam sa ating mga Pambansang ______ eh. Nakakahiya. Pero kung yan nga, yan ang paborito ko, dahil yan ang nakakain. Ha! Matamis o maasim na bersyon ng mangga ay talagang papawi sa iyong panlasang nagugutom.

Ika-labing isang araw – Alam mo pa ba ang lumang bersyon ng Panatang Makabayan?

Hindi ko alam kung ano ang lumang bersyon ng Panatang Makabayan, ito ang nakatatak na sa isip ko. Paunawa, hindi ako nagsaliksik, ito talaga ay mula sa aking isip at puso at base sa natatandaan ko at hindi ko alam kung ito ay tama. Nakakahiya na naman ako bilang isang Pilipino.

Panatang Makabayan

Iniibig ko ang Pilipinas

Aking lupang sinilangan

Tahanan ng aking lahi

Kinukupkop ako at tinutulungan

Upang maging malakas, masipag at marangal

Dahil mahal ko ang Pilipinas,

Tutuparin ko ang payo ng aking mga magulang

Susundin ko ang tuntunin ng paaralan

Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan

Sa isip, sa salita at gawa

At dahil ako’y nanaliksik na, ito pala talaga ang orihinal na bersyon. Dapat na itong tandaan. ;)

Panatang Makabayan

Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako’y kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang
Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at ng buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s