Bookmark: The ISACC Intern Experience

Forgive me for posting two-in-a-row article today minus my pananagalog. I just need to post these uber worth-remembering pictures of my Internship Days at the Institute for Studies in Asian Church and Culture ISACC. Finally, after the long wait.

Hooray for my Internship Mates!

Sir Rei.

Miss Shane.

Woot woot for the Supervisors!!!

Sir Bry.

Other happy faces of ISACC staffs!

T’was one fun ride, indeed!

And I still miss all those memories of Internship, Friends, Trainers…What I’m trying to say is, I miss College Life each and every day. Ha!

If you can’t bring it back, just remember it. And I remember them all. :)

Just a bit random. Hooray times two for Creativity! This video is love! Grabbed at Hello-Rio.

Refresh your mind. Renew your spirit.

XOXO,

~Ninsy~

[Day 6 to 8] Ang Mga Pamantasan

Ika-anim na araw – Ang pangalan ng iyong paaralan noong elementarya (In Filipino) + letrato

Pamantasan ni Jose Rizal (?). Anim na taon din ang nilagi ko sa paaralang ito mula Grade 1 hanggang Grade 6. Sa mga pagkakataong ako’y nag-aral dito, hinayaan nila akong lumagtaw ng isang baitang ang pagiging Prep na nagdulot ng pagtatapos ko ng maaga sa pag-aaral at tila ako lagi ang nagiging pinakabata sa mga klaseng aking napuntahan. Sa awa ng Diyos, nakasabay ako sa aking mga kaklase sa antas ng kanilang pagiisip at aki’y masasabi na napakaaga na ring nagmatyur ng aking isip at pag-intindi sa mga bagay-bagay. Naks. Parang hindi naman. Ha!

Ika-pitong araw – Ang pangalan ng iyong mataas na paaralan (In Filipino) + letrato

Pamantasang Teknolohikal ni Rizal (?). Ito siguro ang pinakakakakaibang karanasan sa aking buhay-estudyante—madami akong naramdaman at nakilala na naging mahalagang bahagi ng buhay ko. Ang isa siguro sa mga pinakatinatangi ko sa aking pagiging hayskul ay ang pagkilala at pagbuo ng isang napakagandang pagkakaibigan sa limang napakagaganda ding mga kadalagahan—Veron, Alyssa, Carla, Cathy at Khay. Sila na yata ang pinakamatingkad na kayamanan na natagpuan ko sa mga panahong nilagi ko sa paaralang ito.

Ika-walong araw – Ang pangalan ng iyong kolehiyo (In Filipino) + letrato

Polyteknikong Unibersidad ng Pilipinas. Dito naman ako pinakanatuto bilang isang estudyante, kaibigan, at bilang isang tao. Ito ang pinakamasayang yugto para sa akin. Ang daming mga karanasan na higit pa sa kakaiba at ang dami kong pangarap na nagawa sa mga panahong nilagi ko sa pamantasang ito. Umani ako ng kaibigan at nagkaron ng tatlong magkakaibang grupong kinabibilangan ang mga grupong ito din naman ay magkakakilala at magkaibigan ngunit sadyang iba’t iba ang deskripsyon ng tatlong ito para sa akin. Nandiyan ang Lunchmates ito ang naging pinakamalaki sa lahat ng grupo na kinabibilangan ko. Nagkasama-sama ito dahil naging sabay-sabay sa pananghalian mula noong freshman pa lamang pa kami, Tomblrs ito naman ay kinabibilangan ng ilang magagandang dilag sa Lunchmates at isa mula—sa kanya ding isang grupo—Rockstars, pinaka-wala-sa-ayos ang grupong ito at Junior Jocks tatlo lamang kami sa grupo at nabuo kami dahil sa hilig sa musika at walang-sawang pag-uusap ng kahit anong paksa sa ilalim ng araw. At siyempre, madami pang mga kaibigan ang nakilala ko na talaga namang tinuturing kong kayamanan. Grabe din ang mala-roller coaster na mga bagay ang aking naranasan sa aking klase—hindi ko pala nabanggit, napabilang at nabiyayaan akong mapunta sa isang napakatatalino at madidiskarteng klase na makikilala mo sa MassComm, particular, sa CommRes ito kase ang kurso ko. Ang buhay-kolehiyo ang nagturo sa akin ng maraming bagay sa buhay at tinuruan akong mamulat sa mga bagay na hindi ko, sa hinagap, naisip na posible. Kung iisa-isahin ko, baka maging nobela na ito, kaya naman hanggang dito na lamang. Para sa mga papasok pa lamang sa pagkakolehiyo, ang lahat ng bagay na matutuklasan o madadagdag sa inyong karanasan at lahat ng taong inyo ring makikilala ay tiyak na magbibigay ng kakaibang kulay sa inyong mundong ginagalawan.

[Day 1 to 5] Ang Mga Paborito

Unang Araw – Ang paborito mong kulay (In Filipino)

Bilang isang batang babae kahit kalian ay hindi ko ginusto ang kulay Pink. Sa aking isip, madaming kababaihan ang nahuhumaling na sa kulay na ito at hindi ko gustong mapabilang sa kanila. Bata pa lamang, gusto ko na talagang maging kakaiba at ayoko ng lagi akong may kapareho, ayoko ng mga kaagaw sa bagay na gusto ko napakamaldita, hindi ba? Haha.. Nung ako ay tumuntong na sa pagiging hayskul, kulay Dilaw ang aking naging paboritong kulay dahil ito ay maliwanag at para sa akin ay simbolo ng pagbangon at pag-asa. Ngayong ako’y may trabaho na at nagkaroon ng malinaw na pagiisip at kailangan ng nag-iisip sa kulay? Ha! mas nagugustuhan ko ang kulay Kayumanggi Brown, Black at Silver. At wala na akong simbolong pinaniniwalaan sa mga kulay na iyon. Ang mga kulay na nagugustuhan ko ngayon ay may kinalaman sa aking pagguhit, pananamit o sa ano mang bagay. Tila mas masarap pa rin ang maging bata, ano?

Ikalawang Araw – Ang paborito mong pagkaing Pilipino

Napakahilig kong kumain at talagang paborito ko ang mga lutong Pinoy at luto ng aking Iloy  (o Nanay—natutunan ko yan sa Amaya). Ang pinakpaborito ko sa lahat ay ang Sinigang na Baka, sinusundan ng Nilagang Baka, Adobo, Pinakbet, Kare-kare, Monggo, Binagoongan, Tinola, Isdang may Gata, Manok na may Gata, Gulay na Gata at kung ano-ano pa. Lahat naman kase ng lutong Pinoy ay kinakain ko pagkat lahat ay pasok na pasok sa aking panlasa.

Ikatlong Araw – Ang paborito mong pagkaing kalye/’street food’

Isa yata sa pinakamagandang karanasan ang pagkain ng mga pagkaing kalye ng mga Pilipino. Sadyang napakarami ng bersyon ng mga pagkaing iyong nanaisin—may matamis, maalat, maasim, lahat na. Ang aking pinakpaborito sa lahat ay ang pagkain ng Kwek-kwek ito yung pugo na binalot sa kulay Orange na arina at Isaw ito naman ang intestine ng baboy o manok na piniprito o iniihaw.

Ika-apat na araw – Ang paborito mong parke

Hindi ako nagkaroon ng madaming karanasan sa pamamasyal sa mga parke. Wala kaseng mga simpleng parke sa aming lugar. Ang pinakmalaki at nakakaaliw na parkeng napuntahan ko yung may bayad ay yung Enchanted Kingdom. Isang beses pa lamang akong nakapunta doon at iyon ay nung nasa hayskul pa lamang ako kawawang bata.

Ika-limang araw – Ang paborito mong pasyalan

Ang totoo niyan, ngayon pa lamang ako nahihilig pumasyal at nagkakaroon ng kakayanan para makapamasyal. Hindi naman kase ako laking mayaman at sadyang isa akong taong-bahay. Para sa akin, hindi naman pasyalan, pero ang mga lugar na gusto ko laging pinupuntahan ay ang mga tahanan ng aking mga kaibigan o di kaya ang aming mga probinsya. Tahanan ng mga kaibigan: Kahit dun lamang kayo sa bahay ng yong kaibigan, tila napakarami niyong nagagawa at walang tigil ang inyong kwentuhan sa mga kakaiba at minsa’y wala talagang kwentang mga bagay pero nagdudulot ng masayang pakiramdam sa inyo dalawa tatlo, apat o higit pa. Probinsya: Sa La Union at Pampanga ay nagiging masaya dahil nadadalaw namin ang aming mga kamag-anak na wala sa Maynila dahil nasa probinsya nga at ang pagdalaw sa kanila ay panahon din ng isang mahabang pahinga.

Buwan ng Wikang Pambansa

Ang buwan ng Agosto ay nagsisilbing pagdiriwang ng WIkang Filipino ng mga kulay kayumanggi na naninirahan sa lupang unang sinisikatan ng araw tama ba ang aking pananagalog sa Land of the Rising Sun?. Bilang pagpupugay sa aking lahi at bansa, nararapat lamang na gumamit ako ng aking wika sa mga paksang isusulat ko sa buwan na ito. Inaamin ko, isa ako sa mga Pilipinong gustong maging dalubhasa sa paggamit ng wikang Ingles na nagdudulot ng hindi ko pagtangkilik ng husto sa aking kinagawiang wika. Hindi naman masamang gumamit ng Ingles ngunit tila nakakahiyang bagay naman na isa ka ngang Pilipinong dalubhasa sa wikang Ingles ngunit hindi perpekto sa wika ng lahi mo–ang wikang Filipino.

Sa aking pananaliksik, may natagpuan akong artikulo na nagsasaad ng mga pwede mong bilang ‘blogger’ maging paksa sa tatlumpu’t isang araw ng Buwan ng Wika. Sayang nga lang at hindi ko ito nasimulan, ngunit susubukan ko pa ring matugunan ang bawat katanungan–masagot ito gamit ang wikang Tagalog/Filipino.

Tatlumpu’t Isang Araw ng Pananagalog sa Tumblr.

Para sa Buwan ng Agosto, Buwan ng Wika.

Unang Araw – Ang paborito mong kulay (In Filipino)
Ikalawang Araw – Ang paborito mong pagkaing Pilipino
Ikatlong Araw – Ang paborito mong pagkaing kalye/’street food’
Ika-apat na araw – Ang paborito mong parke
Ika-limang araw – Ang paborito mong pasyalan
Ika-anim na araw – Ang pangalan ng iyong paaralan noong elementarya (In Filipino) + letrato
Ika-pitong araw – Ang pangalan ng iyong mataas na paaralan (In Filipino) + letrato
Ika-walong araw – Ang pangalan ng iyong kolehiyo (In Filipino) + letrato
Ika-siyam na araw – Ang paborito mong bayani
Ika-sampung araw – Ang paborito mong ‘pambansang _____’
Ika-labing isang araw – Alam mo pa ba ang lumang bersyon ng Panatang Makabayan?
Ika-labindalawang araw – Ang iyong kaarawan (In Filipino)
Ika-labintatlong araw – Letrato ng kamag-anak mong balikbayan
Ika-labing apat na araw – Letrato ng ‘Tito Boy’ o ‘Tita Baby’ mo
Ika-labinlimang araw – Ang paborito mong artistang lalaki
Ika-labing anim na araw – Ang paborito mong artistang babae
Ika-labimpitong araw – Ang paborito mong pelikulang Pilipino
Ika-labing walong araw – Ang paborito mong musikerong Pilipino
Ika-labing siyam na araw – Ang paborito mong manananghal
Ika-dalawampung araw – Ang paborito mong pamahiin
Ika-dalawampu’t isang araw – Ang paborito mong kasabihan/salawikain
Ika-dalawampu’t dalawang araw – Ang paborito mong lugar sa labas ng iyong siyudad
Ika-dalawampu’t tatlong araw – Ang paborito mong salitang Filipino (hal. nakakapagpabagabag)
Ika-dalawampu’t apat na araw – Ang paborito mong palabas sa ‘noontime’
Ika-dalawampu’t limang araw – Ang paborito mong teleserye
Ika-dalawampu’t anim na araw – Ang paborito mong manunulat na Pilipino
Ika-dalawampu’t pitong araw – Ang paborito mong aklat na sinulat ng Pilipino
Ika-dalawampu’t walong araw – Ang paborito mong kantang Pilipino
Ika-dalawampu’t siyam na araw – Ang paboritong letrato mo sa isang ‘landmark’ sa Pilipinas
Ika-tatlumpung araw – Kahit ano.
Ika-tatlumpu’t isang araw – Kahit ano.

Tama, sa Tumblr ko ito nakuha. At balak ko itong gawin dito sa WordPress.

Ang wikang Filipino ay sadyang napakalawak at napakaganda. Hindi ako tagahanga ni Marian Rivera at isa akong solid na Kapamilya ngunit Ang teleseryeng Amaya ay tila nagpapaalala kung gaano natin, bilang isang Pilipino, nalimutan ang kagandahan ng ating sariling wika sa pagtuon at paghahangad natin na maging tulad o kapantay ng mga naninirahan sa Kanluran. Ngayong Agosto, kahit papano, nawa’y maalala natin ang kultura at kinasanayan ng ating mga ninuno. At sana, hindi ito matapos sa buwang ito lamang–nawa’y mamulat tayo at magpatuloy sa pag-alala sa siksik at naguumapaw na kagandahan ng ating pagkaPilipino: wika, kultura at kasaysayan.

Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa amoy ng malansang isda.

–Jose Rizal Ang Pambansang Bayani

Pilipino, ika’y maging mapanuri kahit hindi ka nanunuod ng Matang Lawin. Tatlumpu’t isang araw ng pananagalog, maghanda na!

Embrace the Brace + Reunite with JJ Friends

Cutest candy braces evarrrrr! Then some sudden shift to some Junior Jock reunion last Friday! Woot!

Bud JJ Lois  and Poss JJ Carlos.

Me and Poss.

Me and Bud.

And unfortunately, we find it hard to take a picture of us in one shot, thus we don’t pursue it anymore. Haha!

We had a handful of laughs and musical realizations after watching this:

It’s a very fun week last week. And my weekend too was great pardon for being random, yet again because me and my DGroup (Discipleship Group) went to Touch of Glory Prayer Mountain and God just blessed me with dear sisters-in-Christ who will help me grow deeper in my relationship with Him and to whom I’ll share a part of me and my life. I can’t believe God’s grace. O. Ver. Whel. Ming.

Orayt. That’s it for now. Great week ahead!

With Monday luv and braces,

~Ninsy~

XXO