Dalawang Minuto

May mga pag-ibig talaga na hindi para sa iyo. Na minsan, kahit nasara mo na yung isang yugto ng buhay mo, pag nakita mo ulit at pag di nangyari yung inaasahan mo – kahit bilang magkaibigan lang – masasaktan ka. Kasi kahit naman tapos na, di naman naaalis yung pinagsamahan. Pero minsan, ikaw nalang yung nakakaalala. At siya, kaya niyang umalis nang mabilis pa sa iyong inaasahan. Pwede kang maiwan mag-isa. Magtataka ka bakit iniwan ka, bakit kahit konting oras walang binigay, bakit parang di mo bigla maintindihan ung puso mo. Gugustuhin mong lumayo nalang, makaalis din agad bago pa bumuhos lahat ng tanong kung bakit di man lamang siya nagtagal ng ilan pang minuto para kausapin ka. Pero ganun talaga. Tapos na, pero minahal mo siya. Minsan mag-isa kalang palang nagmahal. Alam mo sa puso mo tapos na talaga pero minahal mo yung taong iyon dati, di naman ganun kadali makalimot. Pero kahit nasaktan ka ulit nang di inaasahan, may mga kaibigan kang magpapangiti at magpaparamdam na di ka naman talaga nag-iisa. At para sakanila, magpapasalamat ka. At para sakanya, magpapasalamat ka pa din.

Kaya naman, para sa iyo: Salamat. Ito na ang huli. Paalam.